HINDI ako sigurado kong anong libro ba ang isusulat ko at kung ano ba ang maibabahagi ko sa mga tao. Kung anong libro ba ang ipapabasa ko sa mga tao na masasabi nilang, "ang galing niya!" May isa akong kaibigan na nakahalata sa pagkukuwento ko. At kung anuman iyon, iyon ay dapat niyong malaman pagkatapos niyong mabasa ang librong itong. Sa una ay natatakot ako, baka sabihin ng nagbabasa na, "nasayang ang pera ko dito!" At iyon ang ayaw kong mangyari dahil hindi ko rin alam. Totoo, promise!
Noong isang buwan lang ay napagdesisyunan kong ibenta ang mga libro ko, ang mga pocketbooks ko. Umabot na iyon ng one hundred fifty books. Hindi naman talaga iyon ang plano pero napasubo na 'ko. Collection ang tawag ko sa mga iyon. At alaga ko ang mga iyon, kahit wala ng lalagyan ang mga briefs ko at medyas ay hindi ko tinatanggal iyon sa drawer na pinaglagyan ko. Sa katunayan ay palipat-lipat ako sa mga pinaglalagyan ko niyon, hindi ako mapakali kung saan ko ilalagay iyon, at matitigil lang ako kapag nakita na ang mga libro ko na komportable, kung may pera lang ay dapat vintelated ang mga iyon. Mahal na mahal ko ang mga iyon kesa sa mga insekto sa bahay.
Habang pinagmamasdan ko ang mga libro ko ay sayang-saya ako. Gusto kong ilatag ang lahat ng libro ko at gawin kama, o kaya gawin christmas tree pag pasko, o kaya, itabi sa pagtulog. Oo, sa dami ng mga libro ko, puwede ko akong mamatay, iyon ang una kong naisip nang makita kong unti-unti na silang rumarami. Ginawa ko din silang third person. Ginagamitan ko ang mga libro ko ng "sila." Minsan nagtaka ang mga ang kaklase ko kung sino daw ba ang tinutukoy ko sa kuwento ko, hindi pala ma-gets ang mga lintik. Tawa sila nang tawa nang sinabi kong ang libro ko ang tinutukoy kong "sila."
Usung-uso ngayon ang mga korean. Ayaw ko namang pagbawalan ang mga tao na gustuhin ang korean dahil wala akong karapatan doon. Ang sabi ko nga ay hindi ko magugustuhan kailanman ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pero sapat na sa atin ang tono ng kanta, ang galaw na nagagawa natin dahil sa isang tugtugin kahit hindi man natin ito maintindihan para maging masaya tayo.
Kapag nakakakita ako ng mga posted na picture at may caption na "panget ako." Talagang hindi ko maintindihan kung ano ang ibig ipakahulugan nila doon. Nakikita ng tao ang picture na 'yon, bakit hindi nalang nila tayo hayaan na magsabi na pnaget nga o o maganda? Bakit nila tayo pinangungunahan?
"Try and try until you succeed," 'yan ang salitang paulit-ulit na pinapaalala ko sa sarili ko. At sa loob ng dalawan taon ko sa pagsusulat ng mga walang kwentang nobela ay hindi pa rin pumupurol ang salitang 'yan. Hindi ko alam kung sino ang naka-imbento niyan. Gusto ko siyang ipahanap sa kaibigan kong pulis at dalhin sa akin ang taong 'yon. Sasabihin ko sa kanyang, "bakit mo nasabi 'yan? Sinabi mo ba 'yan para saktan ako ng paulit-ulit? Kung gusto mo akong matuto dapat pagkatapos nang unang returned sa akin ay natuto na talaga ako." Pero masyado yata iyon mahaba para sabihin ko iyon sa kanya, baka kasi sobrang busy niya sa paggawa pa ng maraming quotations na makakasakit naman sa 'kin.
Hindi ko alam kung sadyang bobo lang ba talaga ako, o talagang isa lang akong taong hindi kailanman marunong sumunod sa isang instruction. Sinabi na ngang ganito, ganyan ang gawin mo, hindi ko pa rin magawa. O baka naman, matigas talaga ang ulo ka dahil pinagpipilitan ko ang gusto ko at hindi ako marunong makisama sa kasalukuyang sistema. Hindi ako malaya, pakiramdam ko. Ngayong college lang ako parang natauhan dahil sa sinabi ng prof. ko. Nagtanong siya kung ano daw ba ng 'democratic.' At since, ako 'yong taong gustong manguna sa matataas ang grades na palagi namang palpak ay sumagot ako ng, "Being free." Mataman akong tinitigan ng prof. ko. Pakiramdam ko ay isisisi niya sa akin kung bakit namatay si Jose Rizal at bakit nangawala ang mga dinosaur sa Basilan. Naihiling kong sana, hindi nalang sumagot ang matabil kong dila na palagi akong dinadala sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay wrong grammar ako sa sinabi ko. Gusto ko nang hablutin ang hawak na dictionary ng katabi ko at hanapin doon ang 'please stop staring at me, Sir...'
Sa wakas ay nagsalita din si Prof. Hindi niya pala narinig ang sinabi ko. Ako rin 'yong taong may pakiramdam na akala ko malakas na ang boses ko, pero hindi naman pala naririnig ng kausap ko. Hindi ko alam kung ang taenga ko ba ang may deperensya o ang dila ko. Tumayo ako at inulit ang sagot ko kanina. Tumango si Prof. Gusto ko sanang sumigaw kaso nagdalawang isip ako dahil baka ihagis niya sa akin ang blackboard. Umupo na ako pagkatapos. Tama daw ang sagot ko, pero malakas ang pandinig ko, parang narinig ko ang sinabi niyang, "another wrong answer, class?" Hindi na ako nag-usisa, at least may grades ako sa class standing.
Iyon palagi ang sinabi ng teacher ko simula pa nasa noong elementarya ako, hindi ko naman sinasabing ako lang ang nag-elementarya, baka sugurin niyo ako sa bahay at iparanas sa akin ang hazing na hanggang ngayon ay curious pa rin ako kung paano ginagawa ng matitinong tao. Mas malaki daw ang grades sa 'class standing.' Simula noong sinabi niya iyon, palagi na akong nakatayo, nakatayo dahil walang assignment. Okay lang din, sa loob ko, at least malaki ang grade. Ewan ko nalang kung hindi ako gumradwet sa skwelahang ito na walang nakasabit ng medal sa siko. Hindi ko maintindihan noon kung ano ang class standing na pinagbubunganga ng teacher ko. Noong high school ko lang talaga naintindihan nang makita ko ang mga kaklase ko na parang naglalaro ng, "sit-down, sit-down." 'Sabi pa ng teacher ko, iyong hindi daw tumatayo baka mabuts na ang upuan, tinisteng ko, hindi naman totoo. At least hindi pagod!
Naalala ko 'yong unang araw ko sa sekondarya, dumating ako sa skwelahan ng may baon ng bilib sa sarili at isang supot ng chin-up. Pagkatapos kaming pagpilahin ng teacher daw namin ay pinalakad na kami. Sa pakiwari ko ay dapat naming sumigaw ng 'left and right' para sabay-sabay. Inilibot niya kami sa buong skwelahan. Para lang kaming nag-tour sa manila zoo, iba ibang mukha ang makikita mo, iba ibang sira ng classroom. Hindi ko alam kung ang gusto bang ipakita sa amin ng teacher namin ay ang mga schoolmates namin na pinagtitinginan din kami o ang kasalukuyang kalagayan ng skwelahan. Hindi man ako nakaramdam ng lungkot ay pagka-excite ang naramdaman ko. Akalain mo, nakaalis na ako sa elementarya!
Bumalik kami sa classroom namin. Dikit-dikit ang upuan, kulay chocolate brown sabi ng kaklase ko na hindi ko pa kilala ang pangalan. Umupo na kami lahat pagkatapos sabihin sa amin ng teacher namin na boses elementary teacher na umupo. Umupo nga kami lahat. Bago niya kami iniwan ay kumuha daw kami ng kapirasong papel at isilat namin ang pangalan namin slash edad, tirahan slash, cell phone number. Nagkagulo agad ang klase namin, karamihan walang papel. Bago pa ang klase ay napangako ko na sa buong Pilipinas na mamimigay ako ng papel sa unang araw ng eskwela kapag mukhang nakakaawa ang makakatabi ko. Ayos! Tuwang-tuwa ang katabi ko. Nakalibre siya sa akin, wala siyang kaalam-alam na plano ko siyang singilin pag labas ng klase. Walang ng libre sa panahon ngayon, maski hangin na lalanghapin mo dapat branded at signatured. Bawal ang nahanginang hangin.
Halos tapos na kami lahat sa pinagawa ng teacher namin ng bumalik. "Ano sa tingin niyo ang pag-upo niyo?" Iyon ang bungad niya sa klase. Para kaming nakakita ng multo sa katauhan niya. Natulos kami sa aming kinauupuan. Gusto namin lahat magtinginan pero hindi kaya ng mga leeg namin. "Nasaan ba ang board?" Sabi pa ng teacher namin. Halos lahat kami tumingin sa harap, mga posters. Sa gilid, posters din. Nasaan ang blackboard?, natanong ko sa sarili. "Nasa likod niyo ang blackboard," dugtong pa ng teacher. Para na naman kaming robot na tumalikod para siguruhin ngang tama siya sa sinabi niya. Tama nga siya at lahat kami nag-practice ng katangahan sa umagang iyon. Hindi ko rin napansin ang blackboard, mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaba ko at gagawin ko kinabukasan. Hindi naman ako masyadong excited!
Nang nasa college na ako ay nagtanong ang prof. namin kugn ano daw ba ang itinuro sa amin noong elementary at high school. Halos mag-chorus kami sa sagot na, "Pareho lang din, Sir, sa tinuturo mo ngayon." Umiling ang prof. ko. Mali daw. Magkaiba daw ang itinuro ng mga teachers namin sa bawat lebel. Ang itinuro daw sa amin ng teacher namin noong elementary ay kung paano mabuhay ng masaya, habang kasama ang pamilya. Sa high school ay kung paano magpasaya at kung paano malungkot. Sa college ay itinuturo daw sa amin kung paano harapin ang mga taong masaya, taong malungkot at kung paano harapin ang katotohanan at kasalukuyang sistema. Hanggang ngayon ay nasa elementarya pa lang ang pag-intindi ko sa sinabi niya.
Ako 'yong taong kapag may latest na kanta o sikat na kanta na laging laman ng radyo ay gusto ko ng i-download 'yon. Gusto ko ako palagi ang nauuna sa mga classmates ko. Kaya iyon nga ang ginagawa ko, ano pa ba? Pagdating ko ng school, palagi kong ipinagmamayabang na, "Yes! May bago akong kanta! Sino ang magpapapasa?" At kapag marami ang gustong magpapasa ng kanta ay tumatakbo na 'ko na parang hinahabol nila kahit hindi naman. At the end, uupo rin ako at magpapasa na. At pagkatapos nang ipasa ang kanta ay maniningil na ako. Pulos "bleeh" ang sagot nila sa 'kin kahit sa tingin nila ay hindi ako seryoso, pero seryoso talaga ako! Nahihiling ko palagi na sana ay seryosohin na nila ako sa paniningil ko. Gusto konmg ilista para pagdating oras na wala akong pera ay may makunan ako, kaso hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa ang sarili ko.
Minsan nabanggit ko sa mga kaklase ko na isa akong music lover, kahit hindi naman nila ako tinanong. May sumagot na, "paano ka naging music lover e lahat nang gusto mong pakinggan ay 'yon lang ang nasa playlist mo?" Napaismid ako, kahit 'di ko naman alam kung ano talaga ang pag-ismid. Sumagot ako ng, "basta!" Sa pagkakatindi ko ng 'music lover' ay hindi naman loving all the music in the universe. Kung higit na mas marami ang gusto mong kantang ipasok sa memory card mo o sa flash drive mo kesa sa kantang nasa song book ng kapitbahay niyo ay matatawag ka ng music lover. Ang mga kantang nasa cell phone ko ay ang mga kantang gusto kong lang pakinggan buong buhay ko at wala akong pakialam kung hindi naman 'yon magustuhan ng makikinig sa 'kin. Sa katunayan ay wlang pangit na kanta, nasa tao 'yon. Walang pangit, sadyang ayaw mo lang. Baka maganda sa iba at hindi maganda sa 'yo. At diyan papasok ang salitang "walang basagan ng trip" dahil hindi ko naman binabasag ang trip mo!
At kung hindi pa rin kita makumbinsi na magustuhan ang kantang "Isang Linggong Pag-ibig" ni Imelda Papin ay wala na talaga akong magagawa doon. Trip mo ang kanta ni Eminem, so go on with your life, walang mangingialam sa 'yo. Kapag na-lowbatt ka 'wag ka lang pupunta sa 'kin para manghiram ng charger. Dahil universal charger ang gamit ko!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento