`D Rill Heart

Aking larawan
Philippines
#The writer of new generation... Follow your... rill h[e]art **,

Linggo, Hunyo 9, 2013

Writing M2M story

AKALA ko ay magsusulat nalang ako ng tula at nobela na ang bida ay lalaki at babae. Sila lang kasi ang capable na magmahalan sa bansa natin. Ang relasyon ng babae at lalaki ay kapag nalaman ng isang tao ay magiging "wala-lang" ang reaksyon. Pero kapag lalaki at lalaki o kaya babae at babae ang makikita mo sa kalsadang magkahawak-kamay ay malamang mandidiri ka.
    Bakit?
    Hindi iyon natural at normal. Iyon ay isang immoral na tinatawag ng iba. Pero sa mata ng kapwa nating bisexual iyon ay hindi. Iyon ay biyaya at walang ibang salita kundi "pagmamahal" ang tawag doon.
    Kailan lang ay sumasakit na ulo ko, sa sobrang sama ng loob sapagkat nakaka-ilang rejections na akong natatanggap mula sa PHR. Oo, nagsusulat ako ng nobela, nobela ang bida ay lalaki at babae. Okay lang sa una, masaya sa pangalawa, sobrang saya ng pangatlo. At sobrang sakit na ng kalaunan.
    Napapaisip ako kung ano ba ang dapat kung gawin para maging romance writer? Naniniwala naman akong hindi lang pagkakaro'n ng experience sa pag-ibig ang pagsusulat. Oo, at nakakadagdag iyon sa ating imahinasyon.
    Pero mayabang lang yata talaga ako dahil sobrang tiwala ako sa mayaman kong imahinasyon.
    Ito, napapaisip ako kung effective ba akong magsulat? Kung nasa romansa nga ba talaga ang forte ko. Isang bagay ang sigurado ako, sa komedya ay isang forte ko. Sumusubok ako ngayon ng iba ibang genre para masukat at masukat ang aking kakayahan sa pagsusulat.
    Isang araw ay napa-text nalang ako sa mga clanmate ko kung may alam ba silang publication na nagpa-publish ng M2M genre. Hindi eksaktong mga sagot ang natanggap ko.
    Pero nagkaroon ako ng lakas ng loob para alamin kung ano ang sinabi koong isa. Nag-research ako at nag-contact ng mga tao para humingi ng impormasyon tungkol sa mga naiisip ko.
    At pagkatapos kong kontakin ang isang taong iyon ay wala pa akong manuscript na matatawag dahil hindi pa ako sumusubok sa pagsusulat ng love story ng dalawang lalaking nagmamahalan. Weird! Hindi ko talaga alam kung paano. Humingi lang ako ng imporyan para kung sakaling magsulat man ako ay madali na para sa aking gawin ang bagay na iyon.
    Pinatay ko ang tablet ko. Nagpatugtog. Kadalasan ay sa kanta ako kumuha ng plot para sa aking aggawing istorya. Hindi naman ako nagkamali sa pagkakataong iyon. Nakakuha ako ng kanta. "Pwede Bang Ako Nalang Ulit" ni Bugoy Drilon.
    Napaisip uli ako. Pulos sa mga nababasa kong M2M ay ganito: hindi tanggap ng magulang ng bida ang kasarian nito. O kaya ay hindi tanggap ng lipunan ito. Nakakasawa na.
    At siyempre, dahil aspiring romance writer ako ay naisip kong bakit hindi ako gumawa ng kuwento na sila lang ang umiikot sa kuwneto? Na tanggap sila ng lipunan at walang pakialam sa kanila ang mga taong nakapaligid sa kanila maging ang mga magulang at pamilya nila sa kanilang kasarian?
    Bakit hindi ko hanguin ang istorya sa akala ko ay forte ko? Bakit hindi? Bakit hindi? Challenge iyon para sa akin. Pero wala pa rin akong ideya kung paano simulan ang istorya. Ni title ay wala akong maisip. AT wala rin akong maisip na pangalan ng mga bida.
    Pagkatapos ng mahigit tatlumpong minuto ng pag-iisip ay nagsimula akong magsulat habang tumutugtog ang "Pwede bang ako nalang ulit?"
    Nakasulat ako ng 3 thousand words bago ako antukin. Himala dahil okay na kapag nakapagsulat ako ng 500 words bago antukin.Bago iyon sa akin. Habang matutulog na ay hindi naako inantok, gusto ko na muling magsulat dahi lmay nabubuo na namang eksena sa utak ko na hindi kailangang ipagpaliban. Pero nang binalikan ko ang tablet ko ay saka naman iyon na-lowbatt. Lintik!
    Kinabukasan ay nagsulat na naman na hindi pa nag-aalmusal. Himala na naman dahil, paggising ko dapat ay kumakain agad ako pero ng mga araw na `yon ay himalang hindi ako nakaramdam ng gutom. Weird!
    Natapos ko ang kuwento kinagabihan, alas-otso ng gabi. Pagkatapos ay kailangan ko na iyong basahin ulit at i-edit. Nagre-read ako at edit. Okay naman. Konting scenes lang ang naidagdag ko. Konting--joke--typo error lang ang naayos ko.
    Mas madalas kasi ako magkamali kesa mag-isip. :)
    Kinabukasan ay kailangan ko na naman i-edit iyon dahil hindi pa ako umaabot sa required na word length. 10k words ang word length at nasa 9225 palang ako. Nilagyan ko nalang ng hint for sequel ang istorya pero hindi pa rin umabot dahil kailangang hint lang at hindi buong istorya ng sequel.
    Ipinasa ko na nang matapos. Hindi iyon umabot. Dahil hanggang doon lang talaga ang istorya, hindi na puwedeng dagdagan dahil masisira na. Magiging redundant na. Na baka ika-buwisit lang ng reader.
    Nakapag-iisip na ako ngayon ng matino. Sa totoo lang hindi ako sigurado sa sinabi kong huli.

    Kung may oras kayo na basahin iyon ay puwede niyong i-komento ang e-mail n'yo dito para ipasa iyon sa inyo. Ang kuwentong iyon ay ang unang kuwento na nasulat ko na M2M ang ang genre.
    Sana ay magustuhan n'yo.
    Thank you for dropping by... 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento