`D Rill Heart

Aking larawan
Philippines
#The writer of new generation... Follow your... rill h[e]art **,

Huwebes, Hunyo 6, 2013

Paano Magsulat?

    Nagsimula akong magsulat noong nasa elementarya pa `ko. Syempre! Ang unag nakapansin sa akin ay ang maestra ko sa Filipino. I was in sixth grade, then. Napansing niyang magaling daw akong gumawa ng mga pangungusap. Pero hindi ko lang pinansin. Hindi ko naisip na malaki pala ang kontribusyon niyon sa tatahakin kong karera.

    High school ako nang ma-realize ko ang bagay na `yon. May isa akong kaklase na mahilig magbasa ang pocketbook. Isang hapon ay nakaramdam ako ng boring. Nanghiram ako at nagbasa. Natapos ko ng ilang araw ang pocketbook na `yon. Natuwa ako kasi nakatapos ako ng isang libro. Parang achievement.

    Pagkatapos no'n nagbasa na ako nang nagbasa. Nakaka-anim na akong libro sa isang araw. Then one day, may isa akong kaklase na nagpabasa ng kuwento--short story--niya sakin. Binasa ko naman. Natuwa ako sa kuwento at pagkatapos no'n naisip ko: "What if magsulat din ako since mahilig naman ako magkuwento? What if ilapat ko sa papel?" Ni-challenge ko ang sarili ng iang araw.

    Nakagawa ako. Ang dali lang pala. Sisiw!

   Marami akong nagawa. Marami akong nasulat sa papel. Marami ang natuwa sa kuwento ko. Mas lalo akong na-inspire. Nakaka-overwhelm ang mga komento nila.

    Nagtapos ako ng high school na may tambak na pocketbook sa bahay. Hindi ko alam kung na-adik ba ako o ewan.

    Nakabasa ako ng PHR book. Sa unang page ay merong invitation ang publication. Bakit hindi ko subukan? Pero, marami ang pumigil sa'kin. WALA AKONG COMPUTER. PAANO AKO MAGSUSULAT? NI WALA AKONG TYPEWRITER. Hindi kakayanin ng kamay ko. Nakakapagod magsulat...

    Pero hindi ko `yon pinansin. Marami akong nabasa na hindi hadlang `yon para makapagsulat ka. So, nagmula na naman ako sa papel. Ayos noong una, nakakapagod noong tumagal. Tinigilan ko, magkaksakit ako. `Di ko alam kung ano ang magiging sakit ko, basta magkakaasakit lang ako. Tapos!

    Ginamit ko ang baon ko sa pag-renta ng computer. 15 Pesos kada araw. May mga oras na nakatitig lang ako sa monitor. Nanghinayang ako sa oras na tinatanggap ko lang sa katawan ko ang radiation na wala naman akong mahihita pagkatapos ng isang oras. Nang nasa kalahati na ako ng nobela ay tumigil ako. Napag-isip-isip kong, saan ba ako dadalhin nito? Masyadong maraming ideya na pumapasok na `di ko na kayang i-accomodate. Ang ginawa ko ay pinasok ko lahat. Tumigil na naman ako ng tatlong buwan. May kumontra na naman. Hinayaan ko na siya na balutin niya `ko.

    Isang araw bumisita ako sa facebook na naging paborito ko. Nag-message ako sa kanya, naikuwento ko sa kanya ang pagsusulat ko. Sabi niya, "tapusin mo na `yan." May magic ang sinabi niyang iyon. Hindi niya lang alam.

    So, tinapos ko. Madugo ang pagtatapos ko na `yon. Hindi ako pumasok isang araw para lang tapusin `yon. Akala ni Parents e pumasok ako. Pero hindi.

    Ipinasa ko nang matapos ako. Naghintay ako ng isang buwan. Returned ang resulta. Ang sakit ng komento. Dumating ako sa point na tanungin ang sarili ko ng: Sino siya sa akala niya? Ang kapal ng mukha niya para husgahan ako. Ang kapal ng mukha niya para husgahan ang pagkatao ko, nag-exaggerate na `ko para damay-damay nalang. Nag-post ako sa sobrang sama ng loob ko. May isanag writer na nagsabi sa akin na hindi lang daw ako ang nakaramdam no'n noong una. Pinalakas niya ang loob ko.

    Inayos ko at pinasa ko sa ibang publication. Naghintay na naman ako ng isang buwan. Returned ulit ang resulta. Pero hindi ako tumigil. Nagsulat ako nang nagsulat. Natapos ang taong nakatanggap ako ng pitong returned. Ang saya! :(

   Hindi hadlang ang pitong `yon para maging manunulat ako. Nagsulat pa rin ako sa kabila niyon. Habang nagsusulat ay sinasabi ko sa sarili ko na: Kaya ko `to! Para sa pangarap ko magsusulat ako nang magsusulat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento