`D Rill Heart

Aking larawan
Philippines
#The writer of new generation... Follow your... rill h[e]art **,

Biyernes, Hunyo 7, 2013

Super Mac! (Teaser)

MACARIO SALINSIN aka Super Mac was a seventeen-year super hero of the Philippines. Alalay siya ng Presidente ng Pilipinas. Hindi siya nito kilala sa totoong pangalan. Ang alam lang nito ay ang astigin-side niya--ang Super Mac!
     Isa siyang tipikal na superhero lamang pero masasabi niyang may pinagkaiba pa rin siya. At iyon ay ang pagiging school-youth super hero. Alalay ng Presidente at sumbungan ng naaapi. Anyway, lahat naman ng superhero ay sumbungan nang naaapi. Pero kakaiba pa rin siya sapagkat iyon ang sinabi sa kanya ng Presidente. Kahit anong kulit niya dito ay hindi pa rin nito sinasabi sa kanya ang huling pinagkaiba niya sa mga superhero ng Pilipinas.
     Basta daw, iyon na iyon. At 'wag na siyang makulit. Hindi siya nito sinusupurtuhan sa pag-aaral. Hindi siya nito scholar. Kahit anong pilit rin nito na gawin siya nitong scholar ay hindi rin siya pumapayag. Basta, superhero lang siya, iyon lang iyon. Nothing else!
     Siya ang naatasan ng Kabutihan Council para iligtas ang bansang Pilipinas sa mga halimaw na aatake, ng mahigit thirty-minutes. He must be ready. All the time!
     "Super Mac! To the max!" Iyon ang motto niya at iyon ang slogan niya sa tuwing susuong siya sa laban. Kakaiba sa slogan ng Pilipinas na: It's more fun in the Philippines! Ayaw niyang manggaya sapagkat may natitira pa naman siyang originality sa katawan. Hindi rin iyon mapapayagan ni Richard Gordon. At ng kanyang sarili at ng Presidente!
     Fourth year High School palang siya. At sa edad na seventeen ay certified superhero na siya. Hindi man siya mabibilang sa  "The Avengers" ay wala na siyang pakialam. Magtatatag din siya ng sarili niyang "The Avengers," kasama sina Darna, Captain Barbell, Lastikman, et cetera. Sa ngayon ay nag-iisip pa siya at pagkatapos ay magsa-submit siya ng project proposal sa Presidente. May kapit na siya kaya hindi malabong ma-reject iyon.
     Para hindi na pahabain ang teaser ni Super Mac... ay tapusin na natin ito. Basta, ayon sa pinirmahan niyang MOA (Memorandum Of Agreement) sa Presidente ay tungkulin niyang iligtas ang sambayanang Pilipino. Ang mga Senador na walang ibang ginagawa kundi ang magpalaki lang ng kanilang beer belly at ilang adik sa kanto para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na rugby. Oops. Joke lang!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento