`D Rill Heart

Aking larawan
Philippines
#The writer of new generation... Follow your... rill h[e]art **,

Biyernes, Hunyo 7, 2013

Chapter 1

TINATAMBOL ang dibdib ni Mac habang naglalakad siya sa gitna ng madilim at nakakatakot na daan. Wala siyang maaninag na ilaw kaya hindi niya alam kung saan siya patungo. Hindi niya alam kung nasaan siya.
      Basta nagising na lang siya kanina sa gitna ng gubat. Nagsisimula nang dumilim niyon at papabagsak na ang ulan. Nang tumayo siya kanina ay hindi niya alam kung nasaan nga siya. Ang ginawa niya, sa halip na sumigaw at humingi ng tulong sa kung sinong daraan ay naglakad siya para makahanap ng masisilungan.
      Inilibot niya ang mga mata sa paligid kahit wala  siyang makita. Mabilis pa rin ang lakad niya kahit wala siyang makita. Mabuti na lang at wala naman siyang naaapakang matigas na bagay, bato, o kaya ahas o kaya bagay na mapanganib.
     Nayakap niya ang sarili nang umihip ang hangin. Napakalamig ng hangin. Ibang-iba ang hanging iyon sa siyudad. Ah, marahil nga wala siya sa Metro Manila. Tiyak na nasa ibang lugar siya. Malayo sa lugar na maraming building at tao.
     Isang kaluskos ang narinig niya. Hindi niya alam kung saan galing ang ingay na iyon. Sa kaliwa niya o sa kanan? Hindi siya sigurado!
     Hindi na siya naghintay para sa ikapapahamak niya. Kumaripas na siya ng takbo kahit wala siyang makita. Sana hindi siya makabunggo sa puno o sa kung sinong monster...
     Isang yugyog sa balikat niya ang pumukaw sa kanya. Yes, he was dreaming! May pasok pa pala siya at may exam pa siya. Kailangan niyang bumangon ng maaga.
     "Mac! Mac!" Boses iyon ni Michael. Kaklase niya. Hindi siya nagkakamali. Ano'ng ginagawa nito sa kuwarto niya? Wala naman silang pinag-usapan nito na sunduin siya nito. Nagmulat siya ng mata at nakita ito. Nakakunot ang noo. Kinusot niya ang mata.
     "Ano'ng ginagawa mo dito?" aniya.
     Tawanan sa paligid niya ang narinig niya. Mga kaklase niya iyon. Oh my?! Nasa classroom na nga pala siya at nakatulog siya. Kung titingin siguro siya sa salamin ay mukha siyang binuhusan ng suka. O kaya ay kulay-red carpet na siya. Nakakahiya siya! Namumutla.
     Fourth-year High School na siya at natutulog pa rin siya sa klase niya!
     “Bakit natutulog ka na naman?” ani Michael sa kanya na halos pabulong ang pagkakasabi niyon. Ang ilang kaklase nila ay pinipigilan ang tawa. Hiyang-hiya siya!
      “Mr. Macario Salinsin.” Ang teacher niya iyon.
      Tumayo agad siya at hinarap ito. Tumatambol pa rin ang dibdib niya. Gusto na niyang hawakan ang dibdib nang sa ganoon ay mahinto iyon sa pagtambol—kung mangyayari lang naman. “As always, ginagawa mong lodging house itong classroom ko. Fourth year High School ka na at magiging future teacher. 'Tapos ay nagagawa mong tulugan ako sa klase. Filipino subject is not boring, for you to know.” Hinampas nito ang dala nitong stick sa desk niya. Sa tingin niya ay mahigit isang metro ang haba niyon. Abot siya niyon kung sakaling ihampas nito iyon sa kanya.
     Napapikit siya sa gulat. “Answer me, or else, ipapatawag ko na ang mga magulang mo.” Muling hinampas nito ang stick.
     Napalunok siya. As always, terror will always be terror. “E-eh, Ma’am, hindi po ako magti-teacher—”
     “Mabuti kung ganoon,” mabilis na sabad nito sabay nang paghampas nito ng stick.
      “'Sabi niyo po, the school is our second home?” aniya. Kung the school is their secong home why the teacher didn’t let them to sleep? Isang kabaliwan!
      “Yes!” agad na sagot nito. “Your school is your second home, 'di ba class?” sabi nito.
      “Eh, w-why don’t you l-let me to sleep in my second home?” nauutal na sagot niya.
      Hindi ito sumagot. Tumulis lang ang bibig nito at iniwan silang buong klase. Pagkalabas nito ay doon nagtawanan ang mga kaklase niya at nag-ingay. Napakamot na lamang siya ng ulo. Umupo at napakurapkurap.Teksyapo!

PAPALABAS NA si Mac ng classroom nang tumunog ang kanyang relo. It was not just a simple watch. Tulad iyon ng kay James Bond. May camera, video recorder, et cetera. Wala na siyang pakialam kung paano pa ginawa iyon. Basta may nagagamit siya--bigay iyon ni President. And speaking of the devil--este President, ito ang tumatawag. Pinindot niya ang button niyon. "Hello?" aniya. Nakakubli na siya sa bag niya. Yes, sa bag dahil wala naman siyang makitang mapagtataguan. Mas okay na sa bag! Ipinasok niya ang ulo niya sa bag.
     Safe and sound!
     "You have a mission, Super Mac!" bungad nito. As usual, wala naman itong ginawang maganda kundi puro mission. Puro, "you have a mission."
     "Yes?" aniya kahit na malinaw ang pagkakarinig niya dito.
     "You have a mission," sabi uli nito.
     Paulit-ulit?
      "What mission is it?" sagot niya. "Monster?" hula pa niya.
      "Kung hindi mga bad guys… monster, hindi ba?" anito. "Maliban na lang kung mag-suggest ng ibang kalaban ang writer."
      Kung malapit lang ito ay malamang pinatamaan na niya ito ng kanyang stolen shot. Hindi iyon picture na tinatawag na stolen shot kundi isa niyang armas. Isa iyong baril--hindi tipikal na baril--na  kusa na lang tumitira kapag may papalapit na kalaban. Hindi niya iyon kayang kontrolin.
     Siya lang ang meron niyon, ang ibang superhero na mga laos na-tulad ni—hindi na niya sasabihin baka ma-hunting pa siya nang may gawa niyon--ay hindi nabiyayaan niyon. Kaya iyon  ang isa niyang maipagmamalaki sa lahat. Kahit ang The Avengers ay wala niyon. They are all cheap!
     "Sana nga mag-suggest. Nakakaumay na, eh. Puro na lang monster, alien, bad guys."
     "Anyway, here is your mission." Pagkatapos ay nawala ito sa linya. Tila hinihintay yata ang isasagot niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita muli ito. "May umatakeng halimaw sa Quezon City. Hindi ko pa alam ang hitsura pero alam naman natin na kapag sinabing monster, eh, panget talaga ang mukha niyon." Tumawa ito sandali at nagsalita na naman. "Naninira daw ng mga paninda."
     Gusto niya itong singhalan sa huling sinabi nito. Walang kuwenta ang mga pulis sa Earth! "Ano ba ang ginagawa ng  mga pulis?" aniyang naiirita. Lahat nalang ba ng conflict sa nobela ay sa kanya iaatas? Pressure, ah!
      "Nagrereklamo ka na?" anito. Parang nahimigan yata ang pagtutol niya. " Marami namang superhero, puwede silang buhayin ng manunulat. Bagong mukha. Bagong costume. Bagong mga kalaban," anito. “New version kumbaga… tulad ng Captain Barbell na ginanapan ni Ramon Revilla, Jr at Richard Guttierez.”
     Kapag ganoong tono ay bumabalik na siya sa katinuan. Ang ibig nitong sabihin ay wala siyang kuwenta kapag tinanggihan niya ang offer nito. "Okay. Okay. Gagawin na, Boss!” aniya sa kabila ng lahat. Pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag. Kailangan na niyang magmadali. Dapat ang superhero ay punctual. Hindi late sa mga fighting scene, malamang.
     Hindi siya tulad ni superman na tatakbo nang napakabilis at maghuhubad ng damit para makapampalit ng superhero attire. Bata pa siya, undercover pa siya ng DSWD. At hindi rin siya tulad ni Batmat and Robin na may hideout. Wala siyang lupa na pagtatayuan niyon. Kung hihingi man siya kay President ay saka nalang. Mas kailangan ng sambayang Pilipino ang pagkain at edukasyon.
      Nang marating niya ang puno ng mangga na di-kalayuan sa eskwelahan ay doon siya nagkubli. Hinubad niya ang damit niya. Suot na niya ang superhero attire niya. Kakasabi niya lang na hindi siya tulad ni superman. Hindi naman talaga. Hindi siya tumakbo. Kumubli lang siya. May pinagkaiba pa rin iyon.
      Pagkatapos ay ang kanyang disguise. Hindi siya detective para magsuot ng wig. He wore eye mask tulad ng kay Zorro. Pero hindi iyon kulay itim, hindi siya kasali sa kulto--kulay pula iyon. Para sabihing palagi niyang birthday. Ang kapa rin niya ay kulay pula, para nga sabihing birthday niya palagi. Pwede rin  siyang tawaging “Super Mac the red carpet.”
      Pagkatapos ng ilang minuto nang pagpi-prepare ay lumipad na siya patungong monster crime scene. Wala siyang pakpak kaya malamang hindi siya nakalipad. Sinabi niya lang iyon para bumilib ang mambabasa. Gamit ang segway ay nakarating siya sa monster crime scene. Bigla nalang sumusulpot ang segway niya kapag kailangan niyang magmadali. Wala ang mga laos na superhero niyon. Siya lang ang meron. Siya lang ang the best.
      Pagdating niya roon ay tapos na ang eksena sa pelikula. Nakakahiya man sabihin ay palagi talaga siyang late sa mga important details. Para siyang reporter o kaya pulis na na dumadating kapag tapos na ang eksena.
     It's better late than never. Who cares?
      Inilibot niya ang mga mata sa buong paligid. Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mack!  Ang paninda ay ubos, ni walang natira, malamang. Wasak ang mga tindahan sa pinangyarihan ng monster crime scene. Malungkot na nakibalita na lang siya sa TV pagdating niya sa bahay. At doon nakita niya ang monster, kumakain ito ng Chicharon ni Mang Juan. Malamang ay hinablot lang nito iyon sa kung saang tindahan.
      Ang turo sa kanya ng Mama niya ay: ang utang ay dapat bayaran at hindi takbuhan. Baka wala itong nanay kaya walang nagturo dito ng kagandahang-asal.
      Kinuha niya ang remote control. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng cell phone niya. The President is calling. What will he say to him? What alibi would he make? Oh, yeah!
      "Kumusta, Super Mac?" bungad agad nito sa kanya.
      "As usual," aniya. Alam na nito iyon. Na kapag sinabi niya iyon ay nahuli siya eksena. "It's better late than never."
     "Huu! Akala ko ba, ang motto mo ay, "Super Mac! To the max!?" anito. "Bakit ngayon ay parang naging, "It's better late than never," na?
      "People change, President," sagot niya.
      "Alam kong aatake muli ang halimaw na iyon at dapat ay siguraduhin mo na na nandoon ka talaga habang nangyayari ang posibilidad na mangyari. Alert, Super Mac!" Pagkatapos ay nawala na ito sa linya.
      Hindi niya ito na-gets. Mali ang construction ng sentence nito. Nobody's perfect. So, why practice?  Pinatay na niya ang TV at nahiga sa sofa.
      Ang pagiging superhero niya ay nagsimula noong Grade six siya. At a very young age, he was afraid to experience that kind of super natural feeling, hindi drugs, ha. Ano daw? Tinulungan niya ang isang kaklase niya noon sa pangbu-bully sa kanyang kaklase. Sinapak niya ang bully. Simula noon ay hindi na nito binu-bully ito. Nagtino na!
     Ganoon lang kasimple ang kuwento hindi naman mabigat...
     Isang liwanag ang bumungad sa kanyang kuwarto. Isang tinig ang narinig niya doon. Kung sa dilim ay hindi siya makakita ay higit na sa sobrang liwanag. Nang dahil sa Meralco lumiwanag ang buhay ko!
     “Nang dahil sa iyong kabutihang-asal at sa pagligtas sa aking apo… bibigyan kita ng sports car 'yong red,” anang liwanag. Boses-matanda iyon. Babae. “Ay mali, kapangyarihan pala, pero ito ay naaayon sa kasunduan ng Presidente ng Pilipinas. Magka-sosyo kayo, ha,” paalala pa nito.
     Nangunot-not siya. Ano’ng pinagsasabi ni Lilia Cuntapay sa kanya? Malamang nagpa-video na naman ito na kunin itong extra sa pelikula.
     “A-ano?” tanong niya. Mahina ang pick-up niya kaya hindi niya ma-gets.
     “Uulitin ko pa ba?” anito. “Paulit-ulit ka!”
     “'Wag na nga, total narinig ko naman… kunti. At manonood na lang ako ng pelikula na tulad ng ganito para makuha ko ang mensahe.”

HINDI PA nababanggit ang tungkol sa pamilya ni Mac. Kaya naman sa pangalawang kabanata ng pelikula ay babanggitin na iyon. Kaya humanda na...
      Wala ni isa sa miyembro ng pamilya ni Super Mac ang nakaka-alam ng kanyang pangalawang pagkatao. Tanging ang kanyang sarili lang. Ang lungkot, 'no?
     Patungo na siya sa eskwelahan. Naglalakad lang siya. Wala siyang service, nasa mahirap na eskwelahan siya kaya, don't demand!
     "Macario!" anang boses sa likuran niya. Nilingon niya iyon. Ang classmate niya--si Mark. Naglalakad lang din ito patungo sa eskwelahan. They are both... alam mo na. Pulubi.
     "O, bakit?" aniya. Patuloy pa rin sila sa paglalakad.
     "Makikisabay," anito.
      "Sumasabay ka na, eh. Left and right marching pa nga." Nakangisi niyang sabi.
      "Sabi ko nga."
     Nang marating nila ang gate ng eskwelahan ay tamang-tama naman ang pag-bell. Tumakbo na sila para hindi mahuli. Ang Terror teacher nila ang madadatnan nila doon.
    "As usual, late ka na naman, Macario Salinsin." Ang TT nila iyon. As in Terror Teacher. Dirty mind!  Nakatayo ito sa harap nila di-kalayuan. Hindi nila ito napansin dahil sa pagmamadali nila ni Mark.
     Napahinto sila sa sanang pagpasok nila. "Both of you are--" anito at sinulyapan ang pambisig na relo, "five seconds late." Pagkatapos ay hinarap sila nito ng may mataray na mukha.
     Napakamot siya. "Five seconds is not a minute, Ma'am. According to our rules, ten-minutes is consider as an absent. So, we're not absent," sagot niya.
     "Open your ears, Mr. Salinsin. I haven't said you are absent; I just said 'you are late."
     Tanga! Hindi ko napansin 'yon, ah.
     Kumukulo pa yata ang dugo nito sa kanya. Siguradong bagsak siya nito sa GMRC. Ito pa naman ang teacher nila doon. "Enter now!" utos nito.
     Pumasok naman sila.

HINDI NAMAN kagandahan ang unang eksena sa pangalawang kabanata. Hindi rin alam ng writer kung ano ang pumasok sa utak niya at isinama niya iyon. Siguro ay pandagdag lang dahil tinatamad na naman siya.
     Kakatawag lang ng Presidente kay Mac. Umaatake na naman daw ang halimaw. Sa pagkakataong iyon ay sa eskuwelahan na naman niya. Hindi maaaring doon ito maghasik ng kawalanghiyaan. Baka masira ang project niyang ipinasa niya kay Mrs. Ern na model of the lungs. Siya pa naman ang may pinakamataas na grado doon kaya hindi niya hahayaang masira lang iyon. Damuho ito!
     Lumipad na siya patungo sa halimaw scene where he can practice his new weapon. Yes, may bago siyang weapon. Wala din niyon ang mga Philippine superhero. Siya lang! Siya na! The best! Hindi pa niya sure kung meron niyon ang mga hollywood superhero. Pero hinihiling niya na sana ay wala. Dapat siya lang.
     Nang makarating siya sa eskuwelahan ay agad niyang kinuha ang cell phone. Yes, cell phone ang kanyang bagong weapon. But, it was not like any other cell phone. Kakaiba iyon. Touch-creen. Touch screen.
     Pinindot niya iyon. Malamang sa screen. Touch screen, eh. Makulit lang?
     Pagkatapos ay may pinindot pa siya. Siyempre para mabuksan. Ang una niyang kaninang pinindot ay para iyon sa power. Hinanap niya doon kung nasaan ang halimaw. Yes, that device is use to locate where the halimaw is. Bawas effort iyon. Pero may nag-text. Kinansel muna niya iyon at binasa ang GM. Group Message.
     Hahay! Nakakapagod 'tong ginagawa ko. Tulong naman. Hihi :)
     Sino pala available diyan ka-text? BMB.
     Mac - Wer na u? D2 na me. Tsk.tsk Nakakainis ka. Sabi mo papasahan mo ako ng load. 'Asan na? BMB!
     GM.Share lang xD
     Si Michelle iyon. Ang kanyang kaklase na pinangakuan niyang papasahan ng load dahil humingi siya ng papel dito noong nakaraang quiz nila. Tapos nakalimutan na niya...
     Ni-reply muna niya ito…
    Wait lang. Gumagawa ako ng assignments.
    Agad naming nag-reply ito.
    Okay. Wala naman tayong assignments, ah.
    Hindi na niya ito ni-reply. Baka mahuli na naman siya sa fight. Tumakbo siya ng mabilis patungo sa kinaroroonan ng halimaw-paninda-wasaker. Iyon ang isa sa kapangyarihan niya: ang tumakbo nang napakabilis. Narating niya ang kinaroroonan ng halimaw in 5 seconds.
     “Ano ba ang kailangan mo dito?” aniya sa maawtoridad na boses. Nangwawasak ang halimaw ng mga paninda. Pagkatapos ay hinarap siya. As usual, kapag sinabing halimaw, iyon ay panget. Do not expect good adjectives to describe the monster. Sa kanta lang iyon, Beautiful Monster.
     Mukha itong aso sa hitsura nito. Asong ulol. Tumutulo ang laway. May kaunting buhok sa kili-kili... este sa ulo. Labas ang ngipin nito... kamukha noong isang komedyante. Si-- (censored!) Mukhang may lahi itong Korean. Singkit ang mata. O hindi siya sigurado... Japanese o kaya Chinese. Basta singkit.
     Mukha rin itong warrior. Pangmandirigma ang suot nito. May armor... warrior is a child lang.
     "Hu... hu... hu..." anito sa kanya habang tumutulo ang rabbies.
     Hindi niya ito maintindihan. Ang akala niya ay may lahi itong Korean, Japanese, o kaya Chinese... iyon pala, ngungo lang.
      "Bakit ka ba naninira ng paninda? Hindi mo ba alam na masama 'yon?" aniya. Kung ganoon lang kasimple ang dialogue sa pelikula ay malamang hindi ito papatok sa takilya.
        "Hu... hu..." sabi naman nito.
        "I need an interpreter," sigaw niya.
        Sa mga miron ay may nagtaas ng kamay. "Ako! Ako, puwede akong maging interpreter."
        "Sige nga," aniya.
        Nagsalita ang ngungo, este, monster. "Hu... hu... hu..."
        "'Sabi niya, trip niya lang daw, 'wag ka daw makialam kung ayaw mong maugi ka rin," sani ng interpreter.
         "Ah, gano'n, ah?" aniya. Sa pagkakataong iyon ay gagamitin na niya ang kanyang bagong-bagong weapon. Yebah!  Hinanap niya kung saan ang weak point nito sa katawan gamit ang kanyang detector. Pagkatapos niyang makita iyon sa screen ay hinarap na niya ito. "Talo ka na ngayon," pagyayabang niya.
       "Hu... hu... hu..."
      "'Sabi niya, ulol!" sabi ng interpreter.
      "Siya ang ulol," sagot niya. Kinuha niya ang kanyang bloody-weapon, iyon ang tawag niya sa sandata na nakakapagdulot ng dugo. Aywan!
       Isang wasiwas niya lang na animo power ranger ay nagkalasuglasog ang katawan ng halimaw. Natuwa ang mga twitter followers niya!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento