ANG kabanatang ito ay hindi naglalayon na magbenta ng bahay kundi magbenta ng uri ng isang bahay. At malalaman niyo ang sagot sa tanong na "bakit hindi niya ako mahal?" pagkatapos niyong mabasa ang kabanatang ito. Sa totoo lang ay walang connection iyon sa kabanatang ito. Pampahaba lang, kumbaga.
Minsan ba kapag nagkakasakit ka, iyong parang nahihirapan ka ng tumayo at ang magagawa mo lang ay kampihan ang kama mo sa paghilata. Tapos 'yong tao naman sa bahay niyo imbes na bigyan ka ng moral support sa pagkakaratay e dinadagdagan pa ang pasanin mo. Sinisisi ka pa imbes na bigyan ka nalang ng gamot at tubig para gumaling ka. Kung 'yong iba ay naiisip nila ang magpagaling agad para hindi na masisi pa, ako ay hindi, ang naiisip ko kapag sinisisi ako dahil ako mismo ang may kagagawan kung bakit ako nagkasakit ay parang gusto ko nang magkaroon ng mas malubhang sakit nang sa ganoon ay matuluyan na ako. Iyong parang gusto ko nalang mabingi para hindi ko marinig ang mga sisi sa akin.
Hindi ko naman sinasabing mali ang sinasabi kong 'wag sanang manisi ang ibang magulang sa anak nila kung bakit siya nagkasakit nang ganoon. Puwede naman manisi, pero pagkatapos na. Iyong sisi na hindi halatang nagagalit ka, kundi may bahid ng pag-aalala dahil anak mo siya at galing 'yan sa dugo't laman mo.
Importante talaga ang kuminikasyonon sa isang tahanan. Dahil ang kuminikasyon ay nagsisilbing tulay kung paano papasok ang pagmamahalan ng tatay, nanay at mga anak. May mga magulang na nalaman kong parang gumaganti sa kanilang mga anak. Dahil iyon sa kagagawan ng tatay at nanay nila. May ilang magulang na pinalaki ng kanilang magulang sa pangaral at may takot sa Dios, pagtingala sa kanila bilang batas sa tahanan. Kaya kung nagtatanong ka kung bakit may mga magulang na sadyang malupit sa kanilang mga anak o kaya masyadong istrikto, dahil iyon sa ganoong sila pinalaki ng lolo't lola mo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento