`D Rill Heart

Aking larawan
Philippines
#The writer of new generation... Follow your... rill h[e]art **,

Martes, Hunyo 25, 2013

Where to buy absolute boyfriend?

DATI okay lang naman kapag tinatanong ako kung mag-GF ako o BF. Haha! E, ngayon dumadalas ang tanong na `yan kaya `di makahanap ng lugar ang salitang "wala" sa sistema ko. Dati, walang takot at hithit ng hangin kapag sinasagot ko `yan. Ngayon kailangan ko yatang bumili ng isang pakiti ng iodized salt. Para pandagdag ng lakas at pang-alis nang panginginig ng buto't kalamnan.

    Isang hapong pauwi ako kasama ang kaklase ko e nasabi nyang bakit daw nakukuntento na ako sa kakatingin at kakahintayng isang bagay na alam ko namang hindi sisibol kailanman. Ayokong magpakalallim pero di ko lang talaga mapigilan ang utak ko sa pag-ariba. Pasensya na lang tayo!

    Sinagot ko sya ng: Di ko alam. Siguro nga talaga ay di pa ako handang masaktan sa edad kong to na dapat e exposed na nga at apak na apak na dapat.

    Marami syang binigay saking advices na ngayon ay laman pa rin ng maliit kong utak. At sigurado akong di to mawawala kailanman dahil kahit di sabihin ng kahit sino ay kaya kong i-advice ang sarili ko sa mga bagay na alam kong kailangan kong pag-isipan at dapat kong paghandaan. Alam kong minumura mo na ko sa isip mo. Wag kang mag-alala dahil pareho tayo ng iniisip.

    Siguro ay di pa ako handang harapin ang mga bagay na bukambibig ng brokenhearted. Observant ako, yon siguro ay isang factor kaya ako natatakot ngayon sa kinabukasang anino. Ayaw kong masaktan. Bakit ako magmamahal ng isang tao kung alam ko namang masasaktan lang din ako. Alam kong parte ng buhay ng tao ang masaktan. At matagal ko ng tanggap sa sarili ko na hindi ako tao, kundi halaman ako kaya karapatan kong pigilan ang mga nararamdaman ko at ipikit ang mga mata ko sa tuwing dilat ang taong pantasya ng utak ko.

    "Why do people fall in love/ And they end up crying..."

    Kaya yan, binigyan kita ng isang bagay na alam kong mapapaisip ka. Hindi yan trivia kundi hula ko lang. Sana pumasa ako sa pag-a-attemp ko. Haay!

   Bakit marami pa rin sa mga tao ang nagpapatuloy o hinahayaan ang puso niyang tumibok sa taong sinaktan na sya ng maraming beses? Ang nasa isip ko ay, tanga sya. Yun lang naman yun. Tulad ba yun sa, "di na ako hahawak sa kandilang nakasindi dahil nakakapaso?" O baka, marahil, siguro... Nababadtrip ako sa tuwina. Nababadtrip ako sa mga taong iiyak sakin at sasabihin, "bakit ko ba sya mahal?" Bakit ba hindi muna nila tanungin ang sarili nila kong mahal ba talaga nila ang taong yun o kung sadyang tanga lang ba talaga sya o kaya talagang luto na ang isip nya sa kakaisip na isang araw ay may darating prince charming at sila ay magiging si Cinderella. Cinderella na walng glass shoe kundi bakya ang gamit para sapin sa paa.

    Sa kakabasa yata yan ng pocketbook. Ang hirap sa mga taong--ang hirap samga pocketbook reader e ikinukulong nila ang isip nila sa isang bagay na alam naman nilang hindi mabubuhay. Oo, totoo ang mga pangyayaring nababasa mo dun. Pero hindi lahat. Ang permanente ay ang emosyong nailalabas mo sa tuwing nagbabasa ka o s atuwing matatapos ka na.

    Marami akong nalaman di nakapag-asawa dahil sa kakahintay ng absolute boyfriend. Marami sila at baka isa ka na pwedeng gawing sardinas. Humanda ka!

    (...inaantok na ko...)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento