HINDI ko alam kung ilang beses ko nang pinag-isipan ang magsulat sa ibang publication. Pagkatapos kong matanggap ang resulta sa unang nobela na aking sinulat ay nagkaroon ako ng truama, kunwari. Nag-rebelde ako, kunwari, Naki-oso sandali. Naglabas ng hinanakit sa Fb. Hindi ko alam kung nakatulong ba ang ginawa kong iyon o hindi. Sa ilang beses kong pag-iisip kong nasa linya ko ba talaga ang pagsusulat o sa pagiging artista ba talaga. Joke ang last three words kaya hindi kailangang umapela sa supreme court para ipakulong ako.
Nakasulat pa ako ng SIYAM na nobela pagkatapos akong bugbugin ng mga published-writers ng lakas ng loob at pananalig sa mga ballpen at papel. Sinabi nilang, kailangan mo lang matulog para may muta ka sa umaga at huwag kang masyadong tumitig sa mga letra para hindi mabulag at hindi iyon pumasok sa sistema mo. May tendency na maging drugs ang mga letra at hindi ka na makaahon sa dagat na tanging hipon lang ang mga lumalangoy. Sa SIYAM na aking naisulat at pagkatapos kong ipasa iyon--via e-mail sa isang sikat na publication ay hindi ko alam kung tama bang matulog kapag oras na ng paborito mong teleserye. Kung ano ang natanggap kong resulta sa una kong nobela na inabot ako ng isang taon bago tapusin at binuhos ko lahat ng pawis ang meron sa katawan ko ay ganoon din ang katakot-takot na "R."
Gusto kong maiyak at isisi ang resultang iyon sa kung sino, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa lam kung kanino talaga. Kung may isa man sa inyong magkakaroon ng malasakit sa akin ay handa akong ipagkatiwala ang sising iyon sa inyo. Gusto kong i-reply ang editor ng nobela ng, "Sino ka sa akala mo? Para nag-apply ka lang diyan at tinanggap ka... Tapos ngayon ang lakas na ng loob mong mashusga ng tao. Sinabi mong, 'sana ay hindi ito maging dahilan para tumigil ka sa pagsusulat,' Sus! Nek-nek mo! Lokohin mo 'ko!" Sorry! Pero nakasakit talaga siya sa damdamin ko ng sobra. Kung may contact lang ako sa mga mafia ipapatugis ko siya. Ubusan ng pamilya!
Pero sa huli, nanaig pa rin ang kagustuhan ng kamay ko. Nagsulat pa rin ako. Naisip ko ring baka wala ako sa linya ng romansa at nasa... Ah, hindi ko pa rin talaga alam kung saan ang linya ko.
Nasa plano ko na ang lahat 'pag nakakatapos ako ng isang nobela. Mag papa-despideda ako, o kahit anong masayang gagawin. 'Yong parang pag-gising mo makakapagsulat ka pa rin kahit putol na ang kamay mo.
Ilang buwan na din ako hindi nakakapagsulat. Dahil sa maraming dahilan. Ang busy-busy ko, pero at the end of the day wala naman akong nagawa. Hindi ko alam kung paano nangyayari 'yon. Gusto ko nang magpakabit ng CCTV, para malaman ko kung ano ba talaga ang mga pinaggagagawa ko sa buong araw.
Nagkaroon ang ng chance para makapag-post sa Facebook ng kung anu-ano. Mga hinaing ko sa mga bagay-bagay at may ilang taong nagustuhan ang mga ilan kong post na iyon. Sila ang nagbigay sa'kin ng suporta at kapal ng mukha para isulat ito. Nabanggit ko sa kanilang nagsusulat ako ng romansa at tulad ko nagkaroon din sila ng chance na kulitin ako na basahin ang mga sinusulat ko. At since wala pa akong lakas ng loob at hindi pa masyadong makapal ang mukha ko ay 'di ko pinapabasa iyon. Sa editor lang na wala ng ginawa kundi i-reject at laitin ang gawa ko.
Marami nang kakilala ko ang nagsabi sa'kin na gusto nilang mabasa ang gawa ko ay willing silang magbigay ng review para doon. Ang sagot ko ay pag-iisipan ko, at ang pag-iisip kong iyon ay madalang. Mas mabilis pa ako maligo kesa mag-isip.
Sa katunayan ay marami na akong nobelang naisualt sana... kung hindi lang ako tamad. Marami akong on-going na nobela na hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa ang sarili ko kung tatapusin ko ba iyon o hindi. Ang dami kong dahilan sa sarili ko kung bakit hindi ko lahat iyon matapos-tapos: walang computer, tinatamad ako magsulat, wala akong inspirasyon.
Hindi ko alam kung may katulad ba akong sa mga aspiring writer. Ako 'yong aspiring writer na tamad. Sabi ng isa kong paborito kong writer, Filipina siya, "magsulat ka lang nang magsulat." Since, paborito ko nga siya pagkatapos kong mabasa ang isang gawa niya na sobra akong na-inspire doon ay ito na nga nagsusulat na ako. Marami akong paboritong author. Pero ngayon tumigil muna ako kasi, hindi ko alam kong effective ba talaga akong mambabasa, kasi habang nagbabasa ako mas lalong lumalakbaya ng utak ko at ayokong magtaksil sa author ng librong binabasa ko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento